Maaaring magsagawa ng pagdinig ang mga komite sa Senado kahit na naka-break ang sesyon.
Ito ay matapos i-adapt ang Senate Resolution 330 na inihain ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto.
Ang resolusyon ay nagpapahintulot sa mga komite na magpulong, magsagawa ng konsultasyon o kaya ay magsagawa ng pagdinig at magpa-subpoena ng mga tao o dokumentong kakailanganin.
Sinabi ni Sotto na layunin nitong magkaroon ng continuity sa pagtalakay ng mga nakabinbing panukalang batas at maisulong ang mga kinakailangang lehislasyon.
Muling magbubukas ang regular na sesyon ng Senado sa Mayo 2.
By Katrina Valle | Report from Cely Bueno (Patrol 19)