Magiging online na ang pagdaraos ng mga pagdinig sa Supreme Court.
Ito ay matapos magdesisyon ang Korte Suprema na gawing video conferencing ang lahat ng mga Court proceedings kahit nagwakas na ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, kasalukuyang nang inaayos ng Committee on Virtual Hearings and Electronic Testimony ang ipatutupad na panuntunan sa Online hearing.
Ito ay para maging live pa rin ang visual connection ng dalawang panig o higit pa sa pamamagitan ng internet para magmukhang face to face ang padinig.
Noon pang 2020, pinayagan ng SC ang mga Trial Court at Appellate Court na magsagawa ng pagdinig sa pamamagitan ng video conferencing na ginagawa na rin sa ibang Korte noong 2019.