Itataas ng Department of Transportation (DOTr) ang heightened alert status sa kanilang hanay pagsapit ng 24 ng Marso.
Ito’y sa kabila ng inaasahang dagsa ng mga pasaherong magsisiuwian sa kani-kanilang probinsya upang gunitain ang mahal na araw.
Nabatid na nakipag-ugnayan na ang DOTr sa iba’t ibang law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at Bureau of Fire Protection upang matiyak ang seguridad ng mga biyahero.
Partikular na tututukan ng ahensya ang mga paliparan, pantalan at mga terminal ng bus at jeepney sa buong bansa. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma