Isinasapinal na ng pamahalaan ang mga paghahanda para sa nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation o APEC summit na gagawin sa bansa ngayong buwan.
Pinulong ni Pangulong Noynoy Aquino ang kaniyang gabinete para plantsahin ang magiging preparasyon sa seguridad ng mga dadalong delegado mula sa iba’t ibang bansa at sa pagdaraos ng mismong summit.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, tinalakay sa nasabing pulong ang lahat ng APEC related activities dahil nais ng pangulo na maging maayos ang paghohost ng bansa.
Hindi pa rin masabi ni Lacierda kung magpapatupad ng no rally zone sa lungsod ng Maynila o sa iba pang bahagi ng metro manila bunsod na rin ng planong pagpapalawig ng grupo ng mga lumad sa kanilang pagkilos.
Sentro ng nasabing aktibidad ang World Trade Center kung saan magtitipun-tipon ang mga pinuno ng iba’t ibang bansa.
By: Jaymark Dagala