Ang tubercolosis ay isang uri ng sakit na dulot ng mikrobyong mycobacterium tuberculosis na madalas makaapekto ng baga.
May ilang uri ng pagkain ang dapat iwasan ng mga may TB upang mapabilis ang kanilang paggaling.
Kabilang dito ang matatamis; maaalat; stimulants o pagkaing nagpapabilis ng pagtibok ng puso; karne; alak at paninigarilyo.
Gayunman, huwag mag-alala dahil hindi naman lahat ng pagkaing masasarap ay dapat iwasan, mayroon ding mga pagkain na makatutulong sa iyong kalagayan tulad ng dark leafy greens tulad ng kangkong, malunggay, at spinach; whole grains o brown at red rice; makukulay na gulay at unsaturated fats o vegetable oil; coconut oil at olive oil.
Bukod dito, nararapat pa ring magpakonsulta sa doktor upang malaman kung may kakulangan sa nutrients ang iyong katawan. – Sa panulat ni Kat Gonzales