Tumaas pa ang mga nasasayang na pagkain sa Pilipinas.
Batay sa datos ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute, tumaas sa 76 grams ang mga nasasayang na pagkain sa isang araw ng isang pamilya noong 2018 at 2019.
Ito’y kumpara sa 72 grams na nasasayang na pagkain sa isang araw noong 2015.
Paliwanag ng DOST-FNRI, malaking bahagi ang kanin sa mga nasasayang na pagkain na aabot sa 53 grams.
Nasa 8 grams naman ang nasasayang na gulay, habang nasa 5 grams ang nasasayang na isda. - sa panulat ni Charles Laureta