Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development na malinis ang mga pagkaing inihahanda sa Walang Gutom Kitchen.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na ‘fit for consumption’ ang mga pagkain na ipinamimigay sa Walang Gutom Kitchen dahil ang mga ito ay hindi naibenta, nagalaw o naihain.
Tiniyak din ni Asec. Dumlao, na nakakatulong ang nasabing programa upang mabawasan ang food wastage dahil sa pagdo-donate ng food surplus ng mga restaurant; fast food chains at mga hotel. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo