Nito lamang nakaraan ay napag-alaman na isa ang Pilipinas sa may mabababang IQ.
Bagamat ito ay sanhi ng genetic diseases, head trauma at pagiging exposed sa mga kemikal tulad ng lead at mercury, ay maaari naman itong ma-boost sa pamamagitan ng pagkain ng mga sumusunod:
Nakakatulong ang kape upang i-block ang isang chemical sa ating utak na nagdudulot ng pagka-antok at tumutulong ito para magkaroon ng sharp concentration na nakakatulong tuwing nag-aaral o nagtatrabaho ang isang tao.
Ang isda naman ay mayaman sa heart-healthy omega-3 fatty acids at DHA na importante para sa pang-araw araw na function ng ating neurons, na siyang nakakatulong sa ating brain activity.
Ang pagkain ng green, leafy vegetables naman ay napatunayang nakakapagpabagal sa pagkakaroon ng decline sa cognitive ng isang tao.
Nakakatulong din upang ma-boost ang ating IQ level sa pamamagitan ng pagkain ng mani, avocado at berries.