Ikaw ba’y nagiging malilimutin? Narito ang ilang pagkaing maaari mong kainin upang mas tumalas pa ang iyong isipan.
Unang-una sa listahan ang mani dahil sa taglay nitong vitamin E at good fats.
Nakatutulong din ang matatabang isda dahil sa Omega-3 fatty acids na nakakatulong upang mas mapaganda ang daloy ng dugo sa ating utak.
Ito ay matatagpuan sa taba ng bangus pero hindi lang bangus ang isda na nagtataglay ng Omega-3. Makikita rin ito sa tuna, tilapia, salmon, sardinas, at tamban.
Mainam din ang pagkain ng itlog dahil mayaman ito sa choline na kailangan lalo na ng mga bata para sa paglinang ng utak at memorya. Kaya hindi totoo na mabobokya ka sa exam kapag kumain ka nito.