Ang pamamaga ng mga daanan ng hangin sa baga ang pinakapangunahing dahilan ng sintomas ng hika.
Narito ang listahan ng mga pagkain na panlaban sa pamamaga ng daanan ng hangin sa baga.
- Sibuyas- ang sibuyas ay may taglay na anti-oxidant na quercetin na makatutulong upang malabanan ang pamamaga at maiwasan ang pag-atake ng hika.
- Kape- ang isa o dalawang tasa ng matapang na kape ay may sangkap na nakakatulong upang mapaluwag ang daanan ng paghinga.
- Green tea- katulad ng mansanas at sibuyas, ang green tea ay naglalaman din ng anti-oxidant na quercitin. Subukang uminom nito isa o dalawang beses kasa araw para maiwasan ang pag-atake ng hika.
- Ang matatabang isda tulad ng tawilis, tamban, tuna, hasa-hasa, sardinas, dilis, salmon at mackerel ay may Omega-3 fatty acids na panlaban sa pamamaga ng mga parte sa katawan at,
- Mga pagkaing mayaman sa anti-oxidant tulad ng Vitamin C at Vitamin E gaya ng red bell pepper, dalandan o calamansi juice, repolyo at kamatis ay mainam para sa buong katawan.