Hinimok ng Malacañang ang publiko na i-report ang mga paglabag sa karapatang pantao ng mga lokal na opisyal ngayong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na mapapangalagaan ang human rights sa lahat ng oras.
Dagdag ni Roque mainam aniya kung magiging detalyado o kumpleto ang impormasyon ng sumbong sakaling may ginawang paglabag sa karapatang pantao ng isang lokal na opisyal.
Kasabay nito, pinaalalahanan muli ni Roque ang publiko na manatili sa bahay dahil lahat rin naman umano ng pagbabantay ay ginagawa ng mga lokal ana opisyal upang mapanatiling mapayapa ang pag-iral ng ECQ.