Maaaring isumbong ng mga motorista sa text Bato hotline na 2286, ang mga paglabag ng mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint.
Pinaalalahanan ni PNP community relations group dir. SSUPT. Gilbert Cruz ang mga motorista na visual search lamang ang dapat gawin ng mga pulis sa checkpoint.
Hindi aniya maaring pabuksan ang pinto ng sasakyan at pababain ang motorista para kapkapan.
Binigyang diin din ni Cruz na ang lehitimong checkpoint ay dapat nakalagay sa maliwanag na lugar, mayroong maayos na karatula at naka uniporme ang mga pulis na nagmamando nito.
By: Katrina Valle