Bagama’t hindi direktang pinangalanan, muling binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Australian nun na si Sister Patricia Fox.
Magugunitang ipinaliwanag ng Pangulo sa kaniyang naunang mga paglilinaw hinggil sa kaniyang pahayag hinggil sa pagtawag niyang istupido sa Diyos ay dahil sa mga punang binibitawan laban sa kaniya ng madre.
Sinabi ng Pangulo sa kaniyang talumpati kahapon sa Zamboanga del Sur, handa siyang tumanggap ng mga batikos basta’t manggagaling iyon sa isang Pilipino.
I can take criticism from nun, fine, from the military pag hindi ninyo ako gusto, fine, ang pulis Ok lang, mag sigawan kayo, Duterte wala ka nang trabaho ok lang but you must be a Filipino citizen, why do I allow you to criticize me, yung sweldo ko galing sa inyo, but I could not take citizen of other country or a tourist, you do not have the right. Pahayag ni Pangulong Duterte
Binigyang diin pa ng Pangulo ang naging resulta ng Social Weather Stations kamakailan kung saan, nasa mahigit isa’t kalahating milyong pamilya ang napapaulat na biktima ng street crimes
Ang mga pagpuna ng mga banyaga tulad ni Sister Fox at ng mga kritiko kabilang na mula sa simbahan ayon sa Pangulo ang nagtulak sa kaniya para bitiwan ang kaniyang pahayag hinggil sa diyos
Ang pinaka ano nila ay people ay usually afraid to go out at night or to walk the streets because of street crimes, anyway I will give you what you want but how do we deal with this problem and for the critics yung alam mong mas marunong pa sa iyo, so sinasadya ko, so your God is not my God kasi ang God mo ay stupid kasi yan ang ginabandera mo eh, you have an advocacy to destroy the fabric of the nation, inaatake mo, but pati yung mga rebelde kasama mo yung mga bayan puros left man yan, sa mga left walang mahusay, laging sila lang. Pahayag ni Pangulong Duterte