Tila nagpaparamdam ang bulkang Mayon.
Kasunod na rin ito nang naitalang 13 pagyanig ng bulkan sa nakalipas na 24-oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Seismic Monitoring, may puting usok ding namataan sa timog kanlurang bahagi ng bulkan bukod pa sa pamamaga ng ilang bahagi nito.
Una nang nakapagtala ng 30 sunud-sunod na pagyanig sa paligid ng bulkang Mayon na indikasyon ng isang volcanic activity.
—-