Hindi dapat seryosohin ang mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa simbahang katolika.
Ito ayon sa CBCP ay dahil paulit-ulit na pambabatikos ang ginagawa ng Pangulong Duterte sa mga alagad ng simbahan.
Sinabi nina CBCP Episcopal Commission on Mission Chairman Sorsogon Bishop Arturo Bastes at CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na mas mabuting huwag na lamang pansinin ang mga anila’y non-sense na pahayag ng Pangulo laban sa kanila.
Wala anilang value at hindi pinag-isipan ng Pangulo ang mga pinagsasabi nito sa media.
By Judith Larino