Bumigat umano ang pagdududa ngayon ng PNP Anti Illegal Drugs Group laban kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino.
Itoy makaraang magpakita umano ng inconsistencies o hindi tugmang mga pahayag ang marine officer mula nang naaresto ito sa shabu laboratory sa Maynila hanggang sa pagharap nito sa Department of Justice (DOJ) para sa kanyang preliminary investigation.
Halimbawa na dito, ayon kay PNP AIDG Spokesman, Police Chief Inspector Roque Merdegia, nang sabihin ni Marcelino sa mga otoridad nang na mayroon siyang case operation plan o COPLAN mula sa militar, subalit itinatanggi ito ngayon ng Philippine Army.
Dahil dito, pinabulaanan ni Merdegia ang bintang ni Marcelino na na-frame up siya.
Kabilang pa anya sa nagdidiin kay Marcelino ay ang pagdala nito ng baril na paso na ang lisensya, ang P86,000 cash na dala niya noong siya ay mahuli, at ang mga bank deposit slip na may halagang P2.25 million pesos na nasa loob ng kanyang bag.
By Jonathan Andal