Mariing pinasinungalingan ni SPO3 Arturo Lascañas ng Davao City police ang mga pahayag ni Davao Death Squad Edgar Matobato sa ikalimang pagdinig ng Senado sa extrajudicial killings.
Una nang itinuro ni Matobato si Lascañas bilang pinuno ng Davao death squad.
Gayunpaman, iginiit ni Lascañas na, una sa lahat, walang Davao death squad.
Hindi rin, aniya, totoo na tinorture ng mga pulis si Matobato noong June 2014 matapos nitong itanggi ang kinalaman sa pagkamatay ng negosyanteng si Richard King.
By: Avee Devierte