Hindi patas para sa Philippine National Police o PNP bilang institusyon ang binitawang pahayag ni Senadora Leila de Lima
Ito’y makaraang banggitin ni De Lima sa kaniyang priviledge speech kahapon sa Senado na do it yourself justice ang pinaiiral ng pulisya sa kampaniya nito kontra sa iligal na droga
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, unfair ang naging pahayag ni De Lima laban sa PNP lalo’t wala naman itong ibinigay na malinaw na halimbawa na sangkot nga sa mga summary executions ang pulis laban sa mga hinihinalang nagtutulak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
Bagama’t sweeping statement ang binitwang pahayag ni De Lima, sinabi ni Lacson na posibleng magkaroon ng basehan ang pahayag ng Senadora kung mapatutunayang tinutulugan o inuupuan lamang ng mga pulis ang mga kaso ng extra judicial killings sa bansa
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 19) Cely Bueno