Sayang lamang ang panahon ng Malakanyang upang pag-aksayahan ang mga pahayag ni Senador Antonio Trillanes.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kasunod ng pahayag ng senador na ma-i-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo.
Ayon kay Abella, kilala si Trillanes sa paggawa ng mga pahayag na guni-guni o hindi naman nangyari.
Mas mabuti anyang huwag ng pansinin ang mga makukulay at tila kathang isip na mga pahayag ng mamabatas dahil may mas mahalagang mga bagay na maaaring pagtuunan ng pansin para sa kapakanan ng mga Pilipino.
Una ng isiniwalat ni Trillanes na mayroon umanong 12 opisyal ng gobyerno na kaalyado ng mga komunista ang gagamit umano ng kanilang pondo para palakasin ang puwersa ng mga rebelde at patalsikin ang Pangulo.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping