Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson ang mga inaasahan niyang tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) sa susunod na buwan.
Ayon kay Lacson, kabilang sa mga nais niyang binanggitin ng Pangulo sa kanyang SONA ay ang kalagayan ng vaccination program ng gobyerno at maging ang laban nito kontra korapsiyon.
Bukod pa rito, interesado rin si Lacson na malaman kung anu-ano pa ang mga maaaring gawin ng Pangulong Duterte sa dulo ng kanyang termino.