Hinamon ng isang mambabatas si Pangulong Noynoy Aquino na huwag magpaka-plastic at ipakita sa mundo ang tunay na kalagayan ng bansa.
Ito ang inihayag ni Gabriela Partylist Rep. Emmi de Jesus kasunod ng pangambang mawalis na naman sa lansangan ang mag palaboy at street vendors sa Metro Manila.
Sinabi ng mambabatas, tiyak na itatago na naman ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mga mahihirap na pilipino lalo na iyong mga informal settler upang hindi makita ng iba’t ibang lider ng mga bansang lalahok sa APEC summit.
Una nang itinanggi ni DSWD Sec. Dinky Soliman na kanilang itatago o dadalhin sa malayo ang mga palaboy at maralita na nasa kalsada bagkus, titipunin ang mga ito para sa ilang aktibidad.
By: Jaymark Dagala