Makararanas na naman ng mahaba-habang bakasyon ang mga palaboy ng Metro Manila sa pagsisimula ng Miss Universe Pageant na gagawin sa bansa sa susunod na taon
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, kanilang tutularan ang mga ginawa ng nakalipas na administrasyon nuong bumisita sa bansa ang Santo Papa gayundin ang pagdaraos ng APEC Summit
Magugunitang dinala sa isang resort sa batangas ang mga pamilyang nakatira sa kahabaan ng Roxas Blvd gayundin ang mga nakatira sa kariton
Gayunman, nilinaw ng Kalihim na hindi lamang sa Metro Manila nakatuon ang mga aktibidad ng Miss U dahil dadalhin din ang mga kandidata sa iba’t ibang pangunahing tourist destination sa bansa
By: Jaymark Dagala / (Reporter 23) Aileen Taliping