Sumampa na sa apat (4) na milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga palayan ng pagbaha bunsod ng walang tigil na ulan sa Negros Occidental.
Ayon sa Office of the Provincial Agriculturist, kabilang sa apektado ang Himamaylan City kung saan halos 144 na ektaryang palayan na ang bahagyang napinsala.
Mahigit 320 magsasaka naman ang naapektuhan ng kalamidad.
Samantala, halos apatnapung (40) pamilya ang nagsilikas sa Cadiz City gayundin sa Sagay City dahil sa malakas na pag-ulan.
Binalaan din ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ang mga naninirahan sa mga mababang lugar laban sa posibleng flashfloods habang pinag-iingat ang mga nasa bulubunduking lugar sa landslides.
By Drew Nacino