Napaaga ang pag-aani ng palay ng mga magsasaka sa isang bayan sa South Cotabato.
Ito’y makaraang mameste ang mga black bugs sa mga palayan sa Barrio Dos sa bayan ng Norala dahilan para mapilitan ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga pananim.
Ayon sa mga magsasaka, ito’y epekto ng tagtuyot kung saan nagkakabitak-bitak ang lupa sa mga pananim na nagiging daan ng mga black bug para umatake.