Inalerto ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang lahat ng paliparan sa bansa dahil sa zika virus.
Batay sa inilabas na memorandum ng CAAP, inaatasan ang airlines, airport authorities at airport medical personnel na gawin ang lahat ng precautionary measures para mapigilan ang pagpasok ng virus sa bansa.
Kabilang dito ang pag-disinfect ng mga airline company sa mga eroplano para mamatay ang mga lamok na nasa loob nito.
Maging ang Bureau of Quarantine ay inalerto rin ng CAAP kung saan ipinag-utos nito na agad na i-quarantine ang mga pasaherong nakitaan ng sintomas ng zika virus.
By Meann Tanbio