Nananatili sa full alert status ang lahat ng paliparan sa bansa.
Ayon kay Ninoy Aquino International Airport (NAIA) General Manager Ed Monreal, hindi sila nag-relax ng alert status mula nang itaas nila ito, Sabado ng umaga pagkatapos ng Davao bombing.
Ginawa ni Monreal ang pahayag kasunod ng napaulat na natanggap na bomb threat sa NAIA.
Nilinaw ni Monreal na ang natanggap nilang bomb threat ay hindi nakadirekta talaga sa NAIA kundi dito sa Metro Manila.
Kasabay nito, tiniyak ni Monreal sa mga pasahero sa mga paliparan na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang mabawasan ang abalang nararanasan dahil sa mga ipinatutupad nilang seguridad.
Bahagi ng pahayag ni NAIA General Manager Ed Monreal
By Len Aguirre | Ratsada Balita