Wala umanong ipatutupad na dagdag-pasahe ang mga airline sa holiday season sa kabila ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Tiniyak ng civil aeronautics board na hanggang katapusan ng taon ay walang pagbabagong ipatutupad sa maximum allowable fuel surcharge level na maaaring ipataw ng airlines.
Manananatili sa level 2 ang passenger fuel surcharge sadomestic at international flights mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2021.
Sa ilalim ng level 2,pinapayagan ang airlines na magpataw ng increase na P45 hanggang P171 para sa domestic flights habang 218 hanggang P2,076 para sa international flights.
Maaari namang magpatupad ng dagdag-singil ang mga airline sa mga nasabing panahon kung gugustuhin nila, pero hindi kailangang lumampas sa fuel surcharge rates na itinatakda sa nasabing lebel. —sa panulat ni Drew Nacino