Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na hindi dapat isisi ang lahat sa kanila sa mga palpak na learning modules na viral online.
Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, humingi na sila ng tulong sa Department of Justice (DOJ) upang matukoy kung sino-sino ang mga posibleng nasa likod nito.
Nagtalaga na rin ng mas maraming tao at kumuha ng third-party evaluators ang DepEd upang maiwasan ang mga katulad na pagkakamali.
Kabilang sa mga nasilip na sablay sa modules ay ang letrang “O” na tumutukoy umano sa isang “ostrich” pero “owl” naman ang nasa larawan.