Hindi dapat ika-alarma ang mga napaulat na mga palyadong Vote Counting Machine sa halalan 2022.
Aminado si Parish Pastoral Council for Responsible Voting National Chairperson Myla Villanueva na mayroon talagang maliit na porsyento ng mga VCM na pumapalya kahit noon pang mga nakaraang eleksyon.
Bagaman mayroon anyang ilang makinang pumalya kahapon ay kaunti lamang naman ang mga ito at hindi dapat ikabahala.
51 VCM ang itinuring na depektibo habang 102 SD card ang pinalitan kumpara sa mahigit 81K makinang gumana kahapon.