Nakahanda na ang 12 miyembro ng delegasyon ng Pilipinas para sa 2020 Tokyo Paralympics.
Mula sa kanilang quarantine facility, umalis na nitong linggo ang ating mga pambato papuntang Japan at lahat ng mga ito ay sumailalim sa swab test pagdating.
Pinangunahan ni Philippine Paralympic Committee President Mike Barredo ang delegasyon.
Si Jerrold Manglinawan naman na beterano ng 2016 Rio Paralympics ang naatasan na dalhin ang ating bandila sa pagbubukas ng seremonya ng torneryo kasama ang 163 mga atleta ng iba’t-ibang bansa.
Traditional na Barong Tagalog naman ang isusuot ng ating mga delegado. —sa panulat ni Rex Espiritu