Tuloy ang dagsa ng mga namimili ng regalo at pagkain sa Quiapo, Maynila dalawang araw bago mag-pasko.
Bukod sa Divisoria,dinarayo rin ang Carriedo Street para sa mga panindang damit at laruan, Hidalgo at Villalobos Street para sa prutas habang hamon sa Palanca Street.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Quiapo, makakabili ng 3 for 100 pesos na damit, pantalon na tig-100 pesos pataas at mga pabangong tig-99 pesos pataas depende sa klase at laki habang ang mga laruan ay nasa 50 pesos pataas.
Nagsisimula naman sa 50 pesos ang kada tumpok ng prutas tulad ng lemon, peras habang nasa 35 pesos naman ang kada 1 fourth kilo ng ubas. – sa panulat ni Hannah Oledan