Nagtalaga ang Department of Trade and Industry ng mga price monitoring team sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila.
Ito’y upang ma-monitor ang pagsunod sa Suggested Retail Price para sa mga pulang sibuyas.
Ayon sa DTI, idineploy ang mga monitoring team simula noong Disyembre a-30 upang tulungan ang Department of Agriculture (DA) sa pagsuri sa SRP sa mga pulang sibuyas.
Dahil ito ay alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at DA Circular no.12 na may petsang Disyembre a-29, na naglalagay ng SRP na P250 kada kilo ng red onions sa pampublikong palengke at may bisa ito hanggang unang linggo ng January 2023. —sa panulat ni Jenn Patrolla