Tiyak na makatatanggap ng ikalawang tranche ng pinansiyal na ayuda mula sa social amelioration program (SAP) ang mga pamilyang nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa isang kondisyon.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay kung maaaprubahan ng House of Representatives at Senado ang kahiling supplemental budget ng pamahalaan.
Paliwanag ni Roque, hindi na sasapat para sa lahat ang nalalabi pa sa P205-B na pondo ng SAP dahil dinagdagan ng mga pamilyang benipisyaryo ng programa.
Mula kasi aniya sa labing walong milyong benepisyaryo para sa unang tranche ng pinansiyal na ayuda, itinaas ito sa P23-M.
Sinabi ni Roque, dahil dito tanging mga pamilya na lamang na nasa ilalim ng enhanced community quarantine at modified ECQ ng maaaring mapagkaloob sa ikalawang tranche maliban na lamang kung madadagdagan ang pondo.