Pumalo na sa 74,930 na mga pamilya ang nabigyan ng ayuda ng pamahalaan sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi nito na ang higit sa 74,000 na mga pamilyang nabigyan ng ayuda ay sang-ayon sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Dahil dito, umabot na sa higit P396.2 milyong ang naipamahagi ng DSWD sa publiko.
Habang higit sa P3.1 bilyong naman ang naipamahagi ng ahensya sa 473,762 na mga karagdagang benepisyaryo ng programa.
Sa huli, siniguro ng DSWD na magpapatuloy ang kanilang pamamahagi ng ayuda sa publiko sang-ayon sa Bayanihan 2.