Nagtipun-tipon ang pamilya ng mga tinaguriang Los Desaparecidos sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.
Ito’y upang mag-alay ng panalangin sa kanilang mga mahal sa buhay na kasalukuyan pa ring nawawala ngayong tradisyunal na undas o All Saints Day
Dahil sa walang libingan o sementeryong pupuntahan, sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio na lang piniling magtirik ng kandila at mag-alay ng bulaklak ang pamilya ng mga desaparacidos
Maliban dito, sumama rin ang grupo ng mga lumad na nagmula pa sa Mindanao at nagmartsa patungong maynila para makiisa sa pag-aalala sa mga yumao nilang katribu.
By: Jaymark Dagala