Sumugod sa Plaza Miranda Police Community Precinct sa Maynila ang pamilya ng mga Muslim na pinagdadampot kaninang madaling araw
Ito’y para igiit na walang kasalanan ang kanilang mga inarestong kaanak sa isinagawang Oplan Galugad sa bahagi ng Islamic Center sa Quiapo
Ngunit ayon naman kay C/Insp. JOHN Guiage, Hepe ng pulisya sa lugar, isinagawa nila ang operasyon batay na rin sa impormasyong kanilang natanggap na pugad ng ipinagbabawal na gamot ang nasabing lugar
Pagtitiyak pa ni Guiage, agad palalayain ang mga mapatutunayang walang kasalanan habang pananagutin naman ang iba dahil sa paglabag sa ordinansa tulad ng pag-iinom sa kalye o di kaya’y paglalakad ng walang damit pang-itaas
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco