Makatatanggap ng tig-isang milyong piso ang bawat pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis na nakipagbakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Marine Colonel Edgard Arevalo, galing ang nasabing donasyon mula sa isang negosyanteng ayaw na magpabanggit pa ng pangalan.
Dagdag ni Arevalo, nangako rin ang nasabing negosyante na kung madaragdagan pa ang bilang ng mga nasawing sundalo at pulis ay bibigyan pa rin niya ng tig-isang milyong piso ang pamilya ng mga ito.
Una rin aniyang, nag-donate ng P98-M ang nasabing negosyante para sa mga sundalong nasawi at nasugatan sa bakbakan sa Marawi City.
Batay sa huling tala ng AFP, umabot na sa 122 ang nasawing sundalo sa nagpapatuloy na giyera sa Marawi City.