Tutulungan ng gobyerno ang dependent ng mga Overseas Filipino Workers sa Surigao na naapektuhan ng malakas na lindol noong nakalipas na linggo.
Sinabi sa DWIZ ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magtutungo siya sa Surigao Del Norte sa susunod na araw para maalalayan ang mga dependents ng mga OFW’S.
Mayroon aniyang 3000 mga aktibong OFW’S ang maalalayan habang 1500 mga inactive na mga OFW’S na parehong tutulungan.
Bukod sa financial assistance ay magbibigay din ang DOLE ng emergency employment program para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng lindol.
By: Aileen Taliping