Magkakaloob ang lokal na pamahalaan ng San Juan ng tulong pinansyal sa mga residente nito na hindi nakatanggap ng ayuda mula sa social amelioration program (SAP).
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, titiyakin niyang makakatanggap ng tulong ang mga pamilyang pasok sa pamantayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngunit hindi nabigyang ng SAP.
Gayunman sinabi ni Zamora na ang maiaabot na tulong ng lokal na pamahalaan ay hindi kasing laki ng halaga gaya ng sa SAP.
Ngunit aniya malaki pa rin ang maitutulong nito sa panahong ito.
Batay sa datos ng DSWD nasa mahigit 16,000 lamang ang mga pamilyang benepisyaryo ng SAP kung saan ito ay kulang pa sa kabuuang bilang ng populasyon ng nasabing lungsod.