Nagpadala na ang Estados Unidos ng family food packs at shelter tarpaulins para sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Karding.
Ayon sa U.S. Embassy, ipinamahagi ang mga food pack at shelter tarpaulin sa mga pamilyang apektado sa CALABARZON at Central Luzon sa tulong ng World Food Programme at International for Migration-Philippines.
Tumutulong na rin ang U.S. Agency for International Development-Philippines sa National Emergency Telecommunications at Logistic Operations.
Bukod sa Amerika, nagpahayag na rin ng kahandaang tumulong ni Australian Ambassador-designate to the Philippines Hae Kyong Yu para sa recovery ng mga lugar na nasalanta ng kalamidad.