Tatanggap ng tig-P5K ang bawat pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao at Palawan
Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang makahanap ng sapat na pondo na pagkukunan ng ayuda, lalo para sa mga mahirap na pamilyang nasalanta ng kalamidad.
Sa kanyang Talk to the People, inatasan din ni Pangulong Duterte ang DSWD na mamamahagi ng mga trapal at coco-lumber sa mga biktima ng bagyo bilang pansamantalang materyales sa pagkukumpuni ng kanilang mga bahay. —sa panulat ni Drew Nacino