Personal na tinanggap ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang unang batch ng bigas at donasyong pagkain mula kay Chinese ambassador to the Philippines Huang Xilian at political commissar ng Dalian Naval Academy, rear admiral Su Yinsheng.
Ang unang batch ay ipinadala sa pamamagitan ng chinese People’s Liberation Army (P.L.A.) navy training vessel na Qi Jiguang.
Makukumpleto nito ang 4,202 bags o 103,750 kilo ng bigas na donasyon at iba pang pagkain na nagkakahalaga ng P4-M.
Nagbigay din ang embahada ng People’s Republic of China ng karagdagang P1-M na tseke para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Betty noong mayo.
Tiniyak ng DSWD Chief sa mga opisyal ng PRC na makakarating ang donasyong bigas sa mga benepisyaryo, partikular sa mga pamilyang apektado ng Mayon sa iba’t ibang evacuation center sa Albay Province. - sa panunulat ni Kim Gomez