Umakyat na sa mahigit 376,000 indibiduwal o katumbas ng mahigit 98,000 pamilya ang naapektuhan sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna at Quezon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 37,000 pamilya o mahigit 135,000 indibiduwal dito ang kasalukuyang nanunuluyan sa may halos 500 evacuation centers.
Aabot na sa halos P6-M ang halaga ng naipadalang ayuda ng NDRRMC sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Kabilang na rito ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at Local Government Units (LGU).
Gayunman, inaasahan ng NDRRMC na unti–unti nang luluwag sa mga evacuation center makaaraang ibaba na ng PHIVOLCS sa level 3 ang alerto sa Bulkang Taal bunsod ng tila kumakalmang aktibidad nito.