Nakauwi na sa kani-kanilang tirahan ang mga pamilyang pansamantalang lumikas dahil sa bagyong Obet.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Raffy Alejandro, umabot sa mahigit 1,200 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo kung saan karamihan ay mula sa Cagayan.
Sa ngayon aniya ay humupa na ang baha sa 40 lugar sa region 2 at 1.
Sinabi pa ni Alejandro na walang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyo.
Lahat naman ay nabigyan natin ng assistance, pag-augment sa mga Local Government Units…tuloy-tuloy naman ‘yung pag-reflenish natin kasama d’yan ang DSWD po.
Ang pahayag ni NDRRMC Spokesperson Raffy Alejandro, sa panayam ng DWIZ.