Makatatanggap ng 18 buwang tulong sa pag-upa ang mga Informal Settler Families (ISF) na mawawalan ng bahay dahil sa North-South Commuter Railway Project.
Ito ang tiniyak ni Transportation undersecretary for Railways Cesar Chavez sa gitna ng presentasyon ng panukalang pondo ng kagawaran para sa 2023 na nagkakahalaga ng P167 billion.
Ipinaliwanag ni Chavez na nagmula ang pondo sa inutang ng Pilipinas sa Asian Development Bank (ADB).
Bibigyan anya ng P3,000 hanggang P10,000 rental subsidy ang mga maaapektuhang pamilya bukod pa sa bayad sa mga bahay na gigibain dahil sa proyekto.
Ang 777 billion peso Railway Project ay pinondohan ng ADB at Japan International Cooperation Agency na inaasahang matatapos sa 2028.