Nagsimula nang magsibalikan sa kani-kanilang mga tirahan ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Karding.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa mahigit 800 pamilya o katumbas ng 3,000 indibidwal na lamang ang nananatili sa mga evacuation centers makaraang mag-uwian sa kanilang mga tahanan ang nasa 7,000 indibidwal.
Matatandaang sinalanta ng Super Typhoon Karding ang Luzon partikular na ang Regions 1, 2, 3, 5, CALABARZON, MIMAROPA at Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan, lumobo pa sa 299,127 pamilya o katumbas ng 1.72 milyong katao ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Sa ngayon, nananatili sa 12 ang bilang ng mga nasawi; 5 ang patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad; habang 52 naman ang bilang ng mga sugatan bunsod ng pananalasa ni bagyong Karding.