Umakyat na sa 891,457 pamilya o katumbas ng 3,672,521 indibidwual (3,672,521) mula sa 6,169 baragay (6,169) ang apektado ng naging pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang nasabing bilang sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at Bicol.
Mula sa kabuuang bilang ng mga apektado, nasa halos 45, 906 o 183, 644 indibiduwal ang nanunuluyan pa rin sa 1,257 evacuation centers (1,257).
Ito’y dahil sa nasa 67,391 kabahayan ang napinsala sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol at Cordillera kung saan ay 6,164 dito ang totally damaged habang nasa 61,227 naman dito ang partially damaged.
Samantala, umakyat na sa P4,213,681,074.00 ang kabuuang halaga ng naging pinsala ng bagyo sa sektor ng agkrikultura habang nasa P6,097, 472, 576. 28 ang naitalang pinsala sa sektor ng imprastraktura.