Tinatayang 1K pamilya o nasa 3K katao na ang apektado ng flashfloods at landslides sa 9 na Barangay sa Banaue, Ifugao.
Ayon kay Banaue Municipal Social Welfare and Development Office Chief Aguinaya Cabanayan, nasa 300 kabahayan din ang nawasak o napinsala, matapos ang malakas na ulan noong Huwebes.
Kabilang anya sa mga matinding naapektuhan ang mga Barangay Amganad, Bocos, Gohang at Poblacion.
Nawasak din ang ilang bahagi ng kilalang Banaue Rice Terraces sa Barangay Poitan at mga karatig barangay dahil sa landslides.
Samantala, nagpapatuloy ang pagtulong ng Department of Social Welfare and Development sa mga apektadong pamilya.