Umabot sa mahigit 70 pamilya ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City matapos maitala ang sunog sa dalawang barangay ng lungsod.
Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng ayuda katuwang ang mga tauhan ng Social Services Development Department sa mga residente ng Brgy. Manresa at Brgy. Paltok.
Ayon sa QC LGUs, nasa P10,000 ang natanggap na tulong ng mga home owners habang P5,000 naman sa mga renter or sharers.
Matatandaang umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumagal ng halos dalawang oras bago idineklarang fire under control ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).