Pagtutuunang pansin ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang mga pamilyang nasa rural areas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni POPCOM Executive Director Dr. Juan Antonio Perez III na maraming malalaking pamilya ang nasa rural areas partikular ang mga pamilya ng mga magsasaka at mangingisda.
Sinabi pa ni Perez na nasa 23% o katumbas ng 26 na milyong mga Pilipino ang nasa poverty threshold na karamihan ay nasa rural areas.
Batay aniya sa kanilang pagtaya ay posibleng umabot sa 144 million ang populasyon ng Pilipinas pagdating ng taong 2045.